Higit 3,000 raliyista, nakilahok sa human rights day protest

 

Pathricia Ann V. Roxas/Inquirer.net

Hindi naging hadlang ang buhos ng ulan upang isagawa ng iba’t ibang grupo ang kanilang kilos protesta bilang paggunita sa International Human Rights Day, kahapon.

Libu-libong mga raliyista mula sa mga militante at cause oriented groups ang nagtipun-tipon sa Bonifacio Shrine sa Maynila kahapon upang kondenahin ang paglobo ng mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng Duterte administration.

Ayon sa grupong Movement Against Tyranny (MAT) na binubuo ng mga dating mga mambabatas, mga abogado at iba pa, sa ilalim ng kasalukuyang pamahalaan, magpapatuloy ang tataas ang mga kso ng humang rights violations sa bansa.

Pinakahuli dito anila ang pagpaslang sa Cathlic priest na si Fr. Marcelito Paez sa Nueva Ecija at human rights activist Elisa ‘Nene’ Badayos.

Matapos ang kanilang rally sa Bonifacio Shrine, ay tumulak ang grupo sa pamamagitan ng torch march sa Mendiola kung saan isinagawa ang huling bahagi ng kanilang kilos-protesta.

Read more...