Dagdag-multa sa 20 traffic violations, isinusulong ng Metro mayors

 

Itinutulak ng mga Metro Manila mayors ang pagdaragdag ng babayarang multa ng mga driver para sa top 20 na mga traffic violations.

Sa isinagawang Metro Manila Council (MMC) noong December 5 ay napagkasunduan ng mga alkalde na i-synchronize o gawing pantay-pantay ang multang ipapataw sa mga lalabag sa mga batas trapiko. Ibabatay ito sa pinakamataas na multang nakapataw sa isang partikular na lokal na pamahalaan.

Ayon kay Cris Saruca ng MMC secretariat, sakaling gamitin ng city council ang MMC resolution ay itataas mula sa dating P150 ay magigin P1,000 ang multa para sa lalabag sa closed-door policy para sa mga bus. Ito aniya ang nangunguna sa mga paglabag sa batas trapiko.

Narito ang iba pang mga rekomendasyon para sa fine adjustment:

-disregarding traffic signs: mula P150 magiging P500
-nagmamaneho nang walang lisensya: mula P750 magiging P1,000
-illegal o unauthorized counterflow: mula P2,000 magiging P5,000
-illegal parking: mula P200 magiging P1,200
-paglabag sa motorcycle lane: mula P500 magiging P2,000
-walang OR/CR: mula P150 magiging P500
-obstruction: mula P150 magiging P500
-reckless driving, second offense: mula P750 magiging P2,000
-reckless driving, third offense: mula P1,000 magiging P2,000
-tumirik na sasakyan: mula P500 magiging P2,000
-paglabag sa truck ban: mula P500 magiging P2,000
– unregistered motor vehicle: mula P450 magiging P5,000
-paglabag sa number coding: gagawing pantay na P500 sa kada lungsod
-no loading/unloading: mula P150 magiging P750

Ang MMC ay ang policy-making arm ng MMDA na binubuo ng 17 mga alkalde ng National Capital Region.

Read more...