‘Wonder Woman’ Gal Gadot, 2017 Top Star ng IMDb

 

Matapos pumang-anim noong nakaraang taon, ngayon ay 2017 Top Star na ng IMDb ang ‘Wonder Woman’ actress na si Gal Gadot.

Tuluyang natanggal mula sa listahan ang nasa top spot noong 2016 na si Margot Robbie na matatandaang gumanap bilang Harley Quinn sa pelikulang ‘Suicide Squad.’

Sumunod sa Israeli star si Tom Hardy, habang pumangatlo naman ang ‘Game of Thrones’ actress na si Emilia Clarke.

Pang-apat sa listahan si Alexandra Daddario mula sa remake ng ‘Baywatch’ at panglima si Bill Skarsgard na gumanap bilang Pennywise the Dancing Clown sa 2017 remake ng ‘It.’

Ang iba pang nasa listahan ay sina Pom Klementieff na gumanap bilang Mantis sa ‘Guardians of the Galaxy Vol. 2,’ Ana de Armas ng ‘Blade Runner 2049,’ Dan Stevens ng live action remake ng ‘Beauty and the Beast,’ Sofia Boutella mula sa ‘The Mummy,’ at Katherine Langford na bumida naman sa kontrobersyal na Netflix series na ’13 Reasons Why.’

Nabuo ang naturang listahan batay sa aktwal na bilang ng mga page views para sa bawat isang aktor sa IMDb, na nakakakuha ng 250 milyong unique visitors kada buwan.

Read more...