Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin pa ng isang taon ang umiiral na batas militar sa Mindanao.
Inanunsyo ni Executive Secretary Salvador Medialdea na pinirmahan na ng pangulo ang sulat na humihiling sa Kongreso ng pagpapalawig ng Martial Law sa rehiyon.
Ayon naman kay House Majority Leader Rodolfo Fariñas, nakatakdang ipadala sa Kongreso at Senado ang liham bukas.
Dagdag pa ni Fariñas, sinabi ni House Speaker Pantaleon Alvarez na magsisimula ang talakayan tungkol sa pagpapalawig ng Martial Law kapag natanggap na ang liham ng Mababa at Mataas na Kapulungan.
Noong nakaraang linggo naglabas ng pahayag ang Armed Forces of the Philippines (AFP) tungkol sa kanilang rekomendasyong palawigin ang batas militar sa Mindanao ngunit hindi naman nila masabi kung hanggang kailan pa ito dapat pairalin.
Ani AFP spokesperson Major General Retituto Padilla, katulad na rekomendasyon rin ang isinumite ng mga pulis sa pangulo.