3 miyembro ng Abu Sayyaf, patay sa engkwentro sa Sulu

By Justinne Punsalang December 10, 2017 - 07:10 PM

 

Patay sa isang engkwentro laban sa mga sundalo ang tatlong miyembro ng Abu Sayyaf sa bayan ng Panamao sa Sulu.

Kinilala ang mga napatay na sina Peping Jamalu na bayaw ni Radulan Sahiron; Aldi Abtahi, anak ni Amlon na isang sub-leader; at Nelson Rajak.

Ayon kay Brigadier General Cirilito Sobejana, commander ng Joint Task Force Sulu, nagsagupaan ang mga miyembro ng Marine Battalion Landin Team 3 at nasa 20 bandido mula sa grupo ni Sahiron sa Sitio Buling-Buling, Barangay Suh noong hapon ng Biyernes.

Ani Sobejano, inilunsad nila ang operasyon matapos makatanggap ng ulat mula sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan, maging mga residente sa lugar, tungkol sa lokasyon ng Abu Sayyaf.

Narekober mula sa mga bandido ang isang M16 rifle at isang kalibre cuarenta y singkong baril.

Kumpyansa naman si Sobejano na masusupil nila ang mga natitirang miyembro ng bandidong grupo sa tulong at suporta na rin ng lokal na pamahalaan at mga community leaders.

Tatlong mga banyaga at pitong mga Pilipino pa ang nananatiling bihag ng Abu Sayyaf.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.