Japan, US at South Korea, magsasagawa ng missile tracking drill

December 10, 2017 - 06:11 PM

 

Magsasagawa ang Estados Unidos, Japan, at South Korea ng dalawang araw na missile tracking drills simula bukas.

Ayon sa Maritime Self-Defense Force ng Japan, ang drill ay kasunod ng patuloy na pagtaas ng tensyon sa Korean peninsula dahil sa pagpapatuloy ng North Korea sa paggawa ng mga nuclear weapons.

Noong nakaraang linggo lamang ay nagsagawa ng large-scale military drills ang US at South Korea, kasunod ng dalawang beses na pagpapalipad ng NoKor ng intercontinental ballistic missiles sa airspace ng Japan na kaya umanong maabot ang mainland US.

Ang isasagawang missile tracking drill ang ika-anim na drill kung saan magkakaroon ng sharing ng impormasyon tungkol sa pag-track ng mga ICBM ang tatlong mga bansa.

Hindi naman binanggit ng defense force kung gagamitin ang kontrobersyal na US Terminal High Altitude Area Defense (THAAD) system na pinangangambahan naman ng China na kayang mapasok ang kanilang bansa at magbanta sa seguridad dito.

Ang Estados Unidos, Japan, at South Korea ang mga bansang laging pinagbabantaan ng NoKor na sisirain nito gamit ang kanilang ginagawang nuclear weapons. /Justinne Punsalang

Excerpt: Magpapalitan ng impormasyon ang 3 bansa tungkol sa pag-track ng mga Intercontinental Ballistic Missile.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.