Nakaranas na naman ng aberya ang Metro Rail Transit Line 3 matapos mag-amoy sunog sa loob ng tren ngayong hapon.
Dahil dito, pinababa at napilitang maglakad ang mga pasahero sa gilid ng riles ng tren sa pagitan ng Santolan at Ortigas Station bandang 2:47 pm.
Sa larawang pinadala ni Jeif Grande, makikita na naglalakad ang mga tao sa Northbound lane ng MRT bunsod ng pagkasira nito.
Sa abiso ng Department of Transportation, sinabi ng diagnostic panel na posibleng regulatory failure ang naging sanhi ng naturang aberya.
Samantala, bumalik na sa normal na operasyon ang MRT bandang 3:13 pm.
MOST READ
LATEST STORIES