3 mangingisda mula sa Pangasinan, nawawala sa West Philippine Sea

By Mariel Cruz December 10, 2017 - 03:56 PM

Pinaghahanap ngayon ang tatlong mangingisda mula sa Pangasinan na nawawala sa West Philippine Sea kung saan lumubog ang bangkang sinasakyang noong Biyernes.

Nakilala ang tatlong nawawalang mangingisda na sina Roy Mas, Diosdado Gumtang at Ariel Gumtang.

Ayon kay Charlito Maniago, kapitan ng Brgy. Cato sa Infanta, may dalawa pang kasama ang tatlong nawawalang mangingisda nang pumalaot sa West Philippine Sea mula sa Brgy. Cato noong nakaraang Martes, December 5.

Sakay ng bangkang pangisda na MB Vanze Allen ang nasabing mga mangingisda.

Sinabi ni Maniago na hinampas ng malaking alon ang bangkang sinasakyan ng mga mangingisda bandang alas siyete ng umaga dahilan para lumubog ito.

Nakaligtas naman ang dalawa sa mga mangingisda na sina Felipe Arabis at Aljandro Ali matapos kumapit sa dalawang maliit na motorboats na nakakabit sa fishing boat.

Noong Biyernes nagpadala na ang Philippine Coast Guard ng search and rescue team para maghanap sa tatlo pang mangingisda.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.