PCMC, nangakong babantayan ang mga pulis at pasyenteng nabigyan ng Dengvaxia

Kuha ni Angellic Jordan

Nangako ang Philippine Children’s Medical Center na tututukan nila ang kondisyon ng mga pulis at pasyenteng nabigyan ng Dengvaxia vaccine.

Ang PCMC ay ang inatasan ng Department of Health para asikasuhin ang pangangailan sa dengue at sa naturang bakuna.

Sa isinagawang dayalogo kasama ang QCPD, sinabi ni PCMC Executive Director Dr. Julius Lecciones na susubaybayan ng kanilang hanay ang kalusugan ng mga opisyal para matiyak na walang mapapahamak sa mga naturukan nito.

Kaugnay nito, nagpamigay ng Orange card ang PCMC sa mga pulis para aniya mabilis matukoy ang mga pasyente at mabilis makalapit ang mga pasyente sa kanila.

Samantala, pinaalalahana nito ang publiko na hindi kailangang mag-panic at magpadala sa mga kumakalat na negatibong balita ukol dito.

Sa halip, sinabi nito na agad magpakonsulta oras na makaramdam nang anumang komplikasyon sa kalusugan.

Humingi naman ng paumanhin si Lecciones sa mga pulis dahil sila ang unang nabigyan ng naturang bakuna sa programa ng PCMC. Kasi layunin na tumulong sa kapulisan.

Read more...