Libya at Italy, magsasanib-puwersa kontra human trafficking at illegal migration

By Mariel Cruz December 10, 2017 - 01:50 PM

Photo: Associated Press

Magsasanib puwersa ang Italy at Libya sa paglaban sa human trafficking at illegal migration.

Ito ang napagkasunduan sa pag-uusap nina Italian Interior Minister Marco Minniti at Libyan Prime Minister Fayez al-Sarraj.

Isang joint commission ang bubuuin ng dalawang bansa na tututok sa dalawang isyu na kanilang kinakaharap ngayon.

Sa isang pahayag, nakasaad na kabilang sa mga miyemrbro sa bubuuing komisyon ay mga intelligence agents, coastguards at judicial officials mula sa dalawang bansa.

Ayon kay Sarraj, patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga migrants sa kanyang bansa kung saan umabot na ito sa mahigit limangdaan libo.

Nanindigan ang Libyan government na lalabanan ang illegal migration na karamihan sa mga ito ay mula sa sub-Saharan Africa.

Pinuri naman ni Minister Minniti ang pagsusumikap ng Libya na mailigtas ang mga migrant na inaabandona sa dagat ng mga human traffickers.

Maglalaan naman aniya ang ilang European countries ng 35 million euros para sa anti-immigration campaign ng Libya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.