Dating DOH Sec. Janette Garin, umaming nakausap ang ilang opisyal ng Sanofi kaugnay ng Dengvaxia

INQUIRER FILE PHOTO

Inamin ni dating Health Secretary Janette Garin na nakipagpulong siya sa ilang opisyal ng Sanofi Pasteur sa Paris dalawang taon na ang nakalilipas.

Ito’y para talakayin ang kontrobersyal na anti-dengue vaccine na Dengvaxia ng pharmaceutical firm.

Sa isang panayam, kinumpirma ni Garin na nakipagkita siya sa ilang opisyal ng French drug firm pero iginiit niya na walang malisya o masamang hangarin.

Nagsimula ang dengue immunization program ng Department of Health gamit ang Dengvaxia noong si Garin pa ang kalihim ng kagawaran.

Pero naging kontrobersyal ang bakuna nang ibunyag ng Sanofi na posibleng tamaan ng severe dengue ang mga batang naturukan nito na hindi pa nakararanas ng nasabing sakit.

Mahigit 830,000 na mga batang estudyante ang nabakunahan ng Dengvaxia sa ilalim ng dengue immunization ng DOH.

Gumastos din ang gobyerno ng P3.5 billion para sa vaccine na ngayon naman ay pinarerefund sa Sanofi.

Read more...