Resulta ng survey ng SWS, kuwestiyunable ayon sa isang political analyst

By Dona Dominguez-Cargullo September 21, 2015 - 11:52 AM

poe-roxas-binay-0721Hindi kumbinsido ang isang political analyst sa panibagong resulta ng survey ng social weather stations (SWS) kung saan umangat sa ikalawang pwesto si Liberal Party presidential bet Mar Roxas.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Professor Mon Casiple na binago ng SWS ang pamamaraan ng pagtatanong sa kanilang ginawang survey sa ikatlong quarter ng taong 2015.

Sa halip kasi na itanong kung “sino ang kanilang ibobotong presidente kung ngayon gagawin ang halalan,” ay ibang tanong ang inilatag ng SWS sa kanilang mga respondents sa isinagawang survey noong September 2 hanggang 5.

Sinab ni Casiple na ang tanong na ginamit ng SWS ay ‘sa June 2016, matatapos na ang termino ni Pangulong Benigno Aquino III, magbigay kayo ng tatlong pangalan kung sino sa tingin nyo ang pwedeng pumalit sa kaniya?’

Dahil sa nasabing linya ng tanong ng SWS, sinabi ni Casiple na malaki talaga ang tsansa na makapagtala ng napakalaking pagtaas sa ranking ng mga presidentiables.

Sa nasabing SWS survey, nakakuha si Senator Grace Poe ng rating na 47, si Roxas naman ay pumangalawa sa rating na 39 at si Vice President Jejomar Binay ay may rating na 35.

Ang nasabing resulta ng SWS ay malayong-malayo sa resulta ng survey ng Pulse Asia kung saan 34 ang nakuha ni Poe, 23 si Binay at 18 si Roxas.

“May problem ako sa ginawa ng SWS sa bagong survey eh binago nila ang tanong. Ang tanong nila, Sa June 2016, tapos na ang termino ng presidente, magbigay kayo ng pangalan ng sa tingin nyong pwedeng pumalit sa kaniya, at i-rank niyo ng 1, 2, 3. “Ang epekto kasi nito, ang #2 at #3 ay tataas talaga yan,” ayon kay Casiple.

Bagaman sinabi ni Casiple na makatutulong talaga sa rating ni Roxas ang pagdedeklara ng liberal party sa pamamagitan ni Pangulong Aquino na siya ang magiging standard bearer ng partido, ay masyado naman aniyang malaki ang itinaas ng rating nito sa SWS survey.

Ayon kay Casiple, tatlong buwan lamang ang pagitan ng survey ng SWS at hindi kapani-paniwalang sa loob ng tatlong buwan ay dumoble ang rating ni Roxas.

TAGS: SWSsurveyfor3rdquarterof2015, SWSsurveyfor3rdquarterof2015

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.