‘Kaligtasan’ at ‘kalayaan’ para sa LGBT, tema ng 2017 QC Pride March
Nagsama-sama ang iba’t ibang Lesbian, Gay, Bisexual, and Transgender (LGBT) groups sa pagdaraos ng Quezon City Pride March kahapon, December 9, sa Tomas Morato Avenue.
Bagaman isinagawa ang parada sa lungsod Quezon ay dumating ang mga LGBT groups mula sa naturang lungsod, maging mula sa iba pang mga lungsod sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.
Nagpakita rin ng pagsuporta sa LGBT community maging ang mga hindi miyembro nito.
Nakasuot ang mga dumalo ng matitingkad at rainbow-themed na mga damit, habang ang iba naman ay iwinagayway ang rainbow o pride flag na simbolo ng LGBT community habang nagmamartsa sa Timog Avenue.
Tema ng naturang pagtitipon ang “Safe and Free” na isang AIDS-awarenes initiative ng LGBT community.
Bahagi rin ng programa para sa 2017 QC Pride March ang mga performance at runway fashion show.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.