Customs Deputy Commissioner Ariel Nepomuceno, itinalagang assistant commissioner ng BOC

By Justinne Punsalang December 10, 2017 - 04:40 AM

Iniluklok ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Bureau of Customs (BOC) Deputy Commissioner Ariel Nepomuceno bilang assistant commissioner ng kagawaran.

Ayon sa mga sources sa loob ng Customs, ito ang unang pagkakataon na magkakaroon sila ng assistant commissioner.

Agosto ng nakaraang taon nang magbitiw sa pagiging deputy commissioner si Nepomuceno matapos siyang pangalanan ni Senador Panfilo Lacson bilang isa sa mga opisyal sa loob ng Customs na tumatanggap ng lagay.

Noong nakaraang buwan naman ay ni-reappoint siya ng pangulo kasama ang iba pang mga opisyal ng BOC na nagbitiw rin sa pwesto dahil sa pagkakapuslit ng P6.4 bilyong shabu shipment noong Mayo.

Ayon sa Malacañan, ang reappointment sa mga sinasabing corrupt officials sa Customs ay isang pahiwatig na inosente ang mga ito mula sa mga alegasyong ibinato sa kanila.

Kabilang sa mga reappointed officials sina Teddy Raval bilang Customs deputy commissioner, dating BOC Import Assessment Services (IAS) director Milo Maestrecampo bilang Assistant Director General II ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), at dating Customs Deputy Commissioner Gerardo Gambala bilang Director IV ng Office for Transportation Security ng Department of Transportation (DOTr).

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.