Ayon kay PAGASA Forecaster Buddy Javier, huling namataan ang bagyo sa 2,400 kilometers. Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers kada oras at mabagal na kumikilos sa 7 kilometers kada oras.
Sinabi ni Javier na west northwest ang direksyon ng bagyo kaya maaring sa Miyerkules ay pumasok na ito ng bansa.
Mahina pa ito sa ngayon dahil isa pa lamang tropical depression, gayunman, inaasahang mag-iipon pa ito ng lakas habang papalapit ng bansa.
Sa ngayon wala pang direktang epekto ang nasabing bagyo saanmang panig ng Pilipinas.
Samantala, ayon kay Javier, sa mga susunod na araw unti-unti nang mararamdam ang transition o pagpapalit ng umiiral na hanging habagat sa bansa patungo sa hanging amihan.