Sa ngayon ay wala pang pagkakakilanlan ang lalaki.
Ayon kay Sixto Balceta na isang baragnay tanod, hinoldap ng lalaki na may dalawa pang kasamahan si PO1 Lester Galong.
Nang malaman na pulis pala ang dapat sana ay bibiktimahin ay agad na tumakas ang dalawa, ngunit sinubukan pa ng suspek na labanan ang pulis gamit ang kanyang dalang balisong.
Nagkahabulan pa ang suspek at ang pulis hanggang sa Javier Legaspi Bridge kung saan na-corner ang suspek.
Dalawang tama ng bala ang tumapos sa buhay ng suspek, habang nagtamo naman ng sugat si Galong dahil sa pagsuntok umano sa kanya ng holdupper.