2 patay, 23 sugatan sa pagkahulog ng bus sa isang kanal sa Occidental Mindoro

By Rhommel Balasbas December 10, 2017 - 01:47 AM

Dalawa ang patay habang 23 ang sugatan matapos mahulog ang isang bus sa malalim na kanal sa Brgy. Nicolas, Occidental Mindoro.

Naganap ang aksidente alas-6:30 ng gabi ng Sabado.

Lulan ng bus ang 34 na katao na karamihan ay mga estudyante mula sa University Rizal System (URS) – Morong, Rizal.

Dadalo sana ang mga ito sa Southern Tagalog Region Association of State Universities & Colleges Olympics o STRASUC 2017 na magaganap sa Occidental Mindoro State College.

Ayon sa Mindoro Police, nakilala ang isa sa mga nasawi na si Elmer Dacillo, Sports and Recreation Director ng URS habang ang isa pang namatay ay isang propesor.

Sa 23 sugatan na isinugod sa San Jose District Hospital ay nakalabas na ang walo at kasalukuyan pang nagpapagaling ang 15.

Pababa mula sa isang matarik na bundok ang bus na pagmamay-ari ng Charms Aloha Travel and Tours.

Nawalan ito ng preno at kinabig na lamang ng driver ang sasakyan pa-kaliwa upang hindi mabangga ang nasa harapan na sasakyan dahilan para mahulog ito sa malalim na kanal.

Sa isang Facebook post naman ng URS Giants ay bumuhos ang pakikiramay para sa mga biktima at nasawi mula sa Pamantasan.

TAGS: 2 dead, 23 injured, Occ. Mindoro Bus Accident, STRASUC 2017, University of Rizal System - Morong, 2 dead, 23 injured, Occ. Mindoro Bus Accident, STRASUC 2017, University of Rizal System - Morong

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.