Aarangkada ang unang bahagi ng Brigada Eskwela sa Marawi (BESM) sa December 13, Miyerkules.
Ito ang programa ng Department of Education (DepEd) para sa rehabilitasyon ng Marawi City.
Bago pa ang opisyal na pagsisimula ng BESM, nagtalaga ng engineers ang kagawaran para suriin ang mga naging pinsala sa mga paaralan sa lungsod.
Partikular na binisita ng DepEd ang 39 paaralan sa 49 na Barangay sa labas ng main battle area.
Inalam ng mga tauhan ng kagawaran ang mga kinakailangang pagsasayos sa mga gusali at silid-aralan.
Ayon sa DepEd, sisimulan na ang BESM sa 14 sa 39 na paaralan na kanilang sinuri.
Batay sa datos ng kagawaran, nasa 22,714 estudyante at 1,411 guro ang naapektuhan ng limang buwang bakbakan sa pagitan ng militar at Maute group sa Marawi City.