Timbog ng mga tauhan ng Station 7 ng Quezon City Police District ang isang drug pusher sa aktong nagbebenta ng droga.
Pasado 2:00 ng hapon nang mag-set up ng buy bust operation ang Drug Enforcement Unit ng QCPD Station 7 sa harap ng isang fastfood chain sa kanto ng Annapolis at Aurora Blvd. sa Quezon City.
Target ng operasyon ang suspek na si Mackod Saban at kasama nito na pawang mga residente ng Muslim Compound sa Culiat, Quezon City.
Isang poseur buyer ang nagpanggap na bibili ng droga sa suspek.
Nang magkabayaran, saka inaresto ang mga suspek.
Ayon kay Supt. Luis Benjie Tremor, Commander QCPD Station 7, nakumpiska mula suspek ang pitong plastic sachet ng shabu, isang heatsealed na plastic ng marijuana at isang tableta ng party drug na ecstacy.
Tinangka na pumalag ni Saban pero agad itong napigilan ng mga pulis.
Nakatakas naman ang isa nitong kasamahan at ngayon ay subject ng follow – up operation.
Ang suspek ay nahaharap sa paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.