#StopBinay Campaign, umarangkada sa Makati

Jpeg
Kuha ni Philip Roncales/DZIQ

Mahigit-kumulang sa isanlibong katao ang mapayapang nag-rally sa kahabaan ng Ayala Ave.  sa lungsod ng Makati na naglalayong igiit kay Vice President Jejomar Binay na huwag nang ituloy ang ambisyon na tumakbo sa Presidential Elections sa 2016, Miyerkules ng hapon.

Pawang mga nakaputi ang mga dumalo sa rally na pinangunahan ng ilang mga kilalang personalidad tulad ng singer na sina Jim Paredes at Leah Navarro.

Ayon kay Paredes, na isa  sa mga nag-organisa ng panawagan ng rally sa social media gamit ang #StopBinay tag,  dapat ay sagutin muna ni VP Binay ang mga alegasyon ng korupsyon na ibinabato laban sa kanya bago mag-ambisyon sa pagka-Pangulo.

Kuha ni Philip Roncales/DZIQ

Sinabi naman ni Leah Navarro ng Black & White movement,  hanggang dalawandaang katao lamang ang kanilang inaasahang dadalo sa aktibidad, ngunit lumampas ito sa kanilang ekspektasyon.

Gayunman, kapansin-pansin na ilan sa mga dumalo ay may mga nakatatak na katagang “Huwag kang magnakaw” sa harap at “Mercado ng Makati” sa likod ng kanilang mga puting T-shirt. – Ricky Brozas/Jay Dones

Read more...