Nag-deklara na ng state of emergency sa California si U.S President Donald Trump kasunod ng matinding wildfire sa katimugang bahagi ng California.
Humingi na ng federal assistance si Trump upang bigyang ayuda ang mga lugar na apektado ng wildfire.
Sa pinakahuling tala, aabot na sa 500 istruktura, at aabot sa libo-libong mga residente ang kailangang lumikas dahil sa malaking sunog.
Mahigit limang libong bumbero na rin ang ipinakalat sa California upang magtulong-tulong na pigilan ang pagkalat pa ng apoy na pinalalaki pa ng hangin mula sa kanluran.
Nag-spray na rin ang mga bumbero ng tubig at fire retardants sa inferno ngunit nagpapatuloy pa rin ang pagkalat nito sa mga highway, riles ng tren at iba pang mga kabahayan.
MOST READ
LATEST STORIES