Opisyal at bomb expert ng CPP-NPA sa Compostella Valley sumuko

By Den Macaranas December 09, 2017 - 12:54 PM

Inquirer file photo

Sumuko sa mga tauhan ng militar ang isang umano’y bomb expert na miyembro ng CPP-NPA sa lalawigan ng Compostella Valley.

Sa ulat na inilabas ng 71st Infantry Batallion ng Philippine Army, sumuko umano sa kanilang kampo ang NPA member na si Jomar Madalo Antolin, Alias Ka Raffy na miyembro ng NPA-Southern Mindanao Regional Committee.

Sa imbestigasyon ng Armed Forces of the Philippines ay napag-alamang si Antolin ang Vice Commander ng Milisyang Bayan Cluster Command na nag-ooperate sa Maco, Compostella Valley.

Sinabi rin ni Antolin na ang kanilang grupo ang nasa likod ng ilang kaso ng pagpatay at pananambang sa lugar.

Sangkot rin umano ang kanilang grupo sa pangingikil ng revolutionary tax samantalang siya naman ang taga-gawa ng mga ginagamit na pampasabog tulad ng improvised explosive device at controlled landmines.

Nagpasya umano siyang sumuko dahil na rin sa hirap ng buhay sa kanilang kampo.

TAGS: antolin, bom expert, Compostella valley, NPA, antolin, bom expert, Compostella valley, NPA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.