Dating DOH Sec. Ona isinabit ni Garin sa Dengvaxia controversy
Isinabit ni dating Health Sec. Janette Garin ang kanyang kapwa dating kalihim na si Dr. Enrique Ona sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng Dengvaxia vaccine.
Sinabi ni Garin na si Ona ang nagpasya na gamitin ang Dengvaxia na gawa ng Sanofi Pasteur sa anti-dengue campaign ng pamahalaan.
Taong 2010 nang umano’y personal na isulong ni Ona ang Dengvaxia sa immunity program ng pamahalaan.
Maituturing rin umanong unethical ang nasabing hakbang dahil hindi pa binibigyan noon ng go signal ng World Health Organization ang paggamit ng nasabing bakuna kontra dengue.
Sa Lunes ay kabilang si Garin sa mga haharap sa gagawing pagdinig ng Senado kung saan ay kanyang sinabi na ipapaliwanag niya ang kanyang naging posisyon sa Dengvaxia noong siya pa ang kalihim ng DOH.
Inaasahan rin na dadalo sa pagdinig na ipinatawag ng Senate Blue Ribbon Committee ang mga opisyal ng Sanofi Pasteur, WHO at DOH.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.