Sugatan ang pitong tauhan ng Philippine Marines makaraan silang tambangan kanilang madaling-araw sa lalawigan ng Maguindanao.
Sa ulat na nakarating sa Camp Aguinaldo, pasado ala-una ng madaling araw ng maganap ang ambush at pagpapasabog sa Brgy. Nuro, North Upi, Maguindanao habang nagsasagawa ng pagpapatrol ang tropa ng pamahalaan.
Nakasakay sa isang KM450 military vehicle sina Major Romulo Ducay, Cpl. Arnel Jun, Cpl. Alvin Sangadan, Cpl. Ryan Cabual, Cpl. Oliver Albo, Pfc. Johnny Panday at Pfc. Gerwin Perez nang silang tambangan ng mga pinaniniwalaang miyembro ng CPP-NPA.
Mabilis na gumanti ng putok ang mga sundalo kaya napilitang tumakas kaagad ang mga rebelde.
Sinasabing mga miyembro ng Far South Mindanao Regional Committee ang umambush sa nasabing mga Marine troopers na kaboilang sa Marine Batallion Landing Team 5.
Bumuo naman ng team ang militar at ang lokal na pulisya sa lugar ng isang team na ngayon ay tumutugis sa mga armadong kalalakihan.