AFP: Ilang NDFP consultants na may safe conduct pass nasa abroad pa rin
Nasa labas pa rin ng Pilipinas ang ilang mga consultants ng National Democratic Front na nabigyan ng safe conduct pass ng pamahalaan.
Ito ang lumabas sa isinagawang pagmomonitor ng Armed Forces of the Philippines sa mga pinalayang opisyal ng NDFP na dating sumama sa pagsisimula bago ipinatigil ng pangulo ang peace talks sa komunistang grupo.
Gayunman ay tumanggi ang militar na pangalanan ang mga opisyal ng NDFP na hanggang ngayon ay nasa abroad.
Sa panayam, sinabi ni AFP Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo na kapag may lumabas na warrant of arrest para sa paghuli sa nasabing mga lider komunista ay kaagad silang susunod sa alinman ang magiging atas sa kanila ng hukuman.
Nauna nang hiniling ng Office of the Solicitor General sa korte ang kanselasyon ng safe conduct pass ng mga rebelde.
Sa kanilang panig, nanindigan naman ang NDFP na may bisa pa ang Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG) na ibinigay sa kanilang mga consultants.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.