Napasugod sa San Francisco Elementary School ang mga nanay ng ilan sa mga Grade 6 students matapos matapos mabalitaan na ang mag-aaral na si Aimy Tamayo ay dinapuan ng dengue.
Mismong ang ina ni Aimy na si Lejani ang nagpatawag sa mga magulang bilang presidente ng Parents Teachers Association ng eskuwelahan.
Pare-pareho ang kanilang pangamba na ang mga kumplikasyon na idudulot ng Dengvaxia sa kanilang mga anak.
Ibinahagi ng ilan sa kanila na mula nang maiturok sa kanilang mga anak ang pangatlong dose ng Dengvaxia ay kung anu-ano ng sakit ang dumapo sa kanilang mga anak.
Sa ngayon ay hinihintay pa ang resulta ng pagsusuri sa dugo ni Aimy na isinasagawa sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM).
Aminado naman ang principal ng paaralan na si Sonny Casino na maraming mga magulang ang nangangamba sa epekto ng Dengvaxia sa kanilang mga anak.
Isa mga naisugod na sa opistal ay ang pinsan mismo ni Aimy na kinakitaan rin ng sintomas ng dengue.