DOH officials pinag-iingat sa paglalabas ng pahayag kaugnay sa Dengvaxia
Pinag-iingat ni Health Sec. Francisco Duque ang mga opisyal ng DOH sa paglalabas ng mga pahayag kaugnay sa Dengvaxia vaccine.
May kaugnayan ito sa naging interpretasyon ni DOH Spokesman Asec. Lyndon Lee-Suy sa opisyal na pahayag ng World Health Organization (WHO) kaugnay sa nasabing isyu.
Ipinaliwanag ni Duque na hindi sila ang tagapagsalita ng WHO o ng Sanofi Pasteur na siyang manufacturer ng Dengvaxia.
Pero tiniyak ng kalihim na mananagot sa ilalim ng batas ang Sanofi dahil sa paggamit sa Dengvaxia lalo na sa immunization program ng gobyerno.
Ayaw namang pangunahan ng opisyal ang magiging imbestigasyon ng Senado sa isyu sa Lunes pero kanyang tiniyak na dadalo siya sa nasabing imbestigasyon.
Nais ding alamin ng kalihim ang lawak ng immunization program ng nakalipas na administrasyon at ng pinalitan niyang health secretary gamit ang Dengvaxia.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.