Mayor Espinosa at anak, hindi naaresto sa raid pero itinuro ng mga nahuli

By Kabie Aenlle December 09, 2017 - 06:22 AM

Inamin ng dating hepe ng Albuera, Leyte police na si Chief Insp. Jovie Espenido na hindi naman kasama sa mga naaresto at hindi rin namataan si yumaong Mayor Rolando Espinosa at anak niyang si Kerwin sa isinagawang buy-bust operation noong July 28, 2016.

Gayunman, sinabi ng mga prosecutors na itinuro sila ng mga naaresto bilang mga mastermind sa kalakalan ng iligal na droga sa naturang lugar.

Ginawa ni Espenido ang pag-amin sa kauna-unahan niyang pagharap sa Manila Regional Trial Court para tumestigo laban kay self-confessed drug lord Kerwin Espinosa.

Ayon kay Espenido, sa limang taong naaresto sa buy-bust operation na isinagawa sa isang basketball court sa tapat ng bahay ni Kerwin, dalawa sa mga ito ang nagsabing may kinalaman ang mag-ama sa bentahan ng droga sa lugar.

San naturang raid, nasamsam ng mga otoridad ang mahigit 200 gramo ng shabu, iba’t ibang armas, at nasukol sina Marcelo Adorco, Jose Antepuesto, Jessie Ocarez, Ernesto Dumalat at Jeffrey Pesquera.

Gayunman, iginiit ni Kerwin na hindi sa kaniya ang mga nakumpiskang droga lalo’t dahil wala naman siya dito sa bansa nang mangyari ang raid.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.