Pagkansela sa peace talks, “cooling off” lang ayon kay Duterte

By Kabie Aenlle December 09, 2017 - 05:07 AM

Presidential Photo

Nagbigay ng pahiwatig si Pangulong Rodrigo Duterte na posible pang bumalik sa peace negotiations ang pamahalaan sa mga komunistang rebelde.

Ito’y matapos niyang sabihin sa kaniyang talumpati sa 84th anniversary ng Department of Labor and Employment (DOLE) na “cooling off” lang ang paghinto ng gobyerno sa pakikipag-usap sa mga rebelde.

“Let’s give time for cooling off with the rebels,” ani Duterte.

Dagdag ng pangulo, makabubuting magpahinga na muna mula sa pag-uusap ang magkabilang panig sa pagkakalabuan.

Ayon pa kay Duterte, dapat i-angat ang lebel ng negosasyon kung saan walang pag-atakeng nagaganap, kasabay ng pagsasabing ang pananahimik ang pinakamabuting gawin sa panahong ito.

“Let us raise it (negosasyon) to the level of walang atake,”

Gayunman, iginiit ng pangulo na dapat nang itigil ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang mga iligal na aktibidad tulad na lamang ng paniningil ng revolutionary taxes sa mga negosyo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

News Hub