Guidelines ng WHO sa Dengvaxia, nasunod ng DOH sa ilalim ni Garin – Duque

By Kabie Aenlle December 09, 2017 - 05:04 AM

Dinipensahan ni Health Sec. Franisco Duque III si dating Sec. Janette Garin na namuno sa Department of Health (DOH), pati na si dating Pangulong Benigno Aquino III sa kasagsagan ng pagbili ng kagawaran ng Dengvaxia vaccine.

Ayon kay Duque, naniniwala siyang hindi dapat sisihin sina Garin at Aquino sa kontrobersyang kinasasangkutan ngayon ng Dengvaxia vaccine matapos saminin ng Sanofi Pasteur na maaring magkaroon ng negatibong epekto sa naturukan ang naturang bakuna.

Ayon kay Duque, base sa feedback at documentary evidence, sinunod nina Aquino at Garin ang tatlong guidelines ng WHO sa paggamit ng Dengvaxia.

Sa ilalim kasi ng guidelines ng WHO, maari lamang ipagamit ang Dengvaxia sa mga komunidad kung saan nakapagtala ng Dengue sa 70 percent ng populasyon nito; pagturok sa mga edad 9 hanggang 45 taong gulang lamang, at pagbibigay ng tatlong shots ng bakuna.

Gayunman, iginiit ni Duque na ayaw naman niyang pangunahan ang isasagawang imbestigasyon ng Senado sa Lunes, at ng Kamara sa Miyerkules tungkol sa isyu.

Matatandaang maging ang Department of Justice (DOJ) ay inatasan na ang National Bureau of Investigation (NBI) para magsagawa rin ng pagsusuri.

Hinimok na rin lang niya sina Aquino at Garin na magsalita na upang malinis ang kanilang mga pangalan sa isyu.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.