AFP: Wala kaming listahan ng mga aarestuhing rebelde
Pinabulaanan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na mayroon itong listahan ng mga ipinaarestong lider ng komunistang grupo.
Ayon kay AFP Publc Affairs chief Col. Edgard Arevalo, wala silang hawak na naturang lustahan.
Gayunman aniya, kung bibigyan ng arrest warrants sa militar, gagawa ng listahan ang AFP.
Iniulat sa isang pahayagan na natapos na umano ng militar at iba pang defense agencies ang listahan ng mga may ugnayan sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army. Kabilang umano rito ang consultants ng National Democratic Front na pinalaya noong nakaraang taon para sa usapang pangkapayapaan.
Magugunitang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-aresto sa mga llider ng komunistang grupo makaraan niyang ideklara terorista ang CPP-NPA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.