Lahat ng opisyal ng isang komisyon, sisibakin sa Lunes ni Pangulong Duterte

By Chona Yu, Dona Dominguez-Cargullo December 08, 2017 - 08:50 PM

Presidential Photo

Inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang gagawin niyang pagbuwag sa lahat ng opisyal at tauhan ng isang hindi tinukoy na komisyon dahil sa isyu ng korapsyon.

Ang pahayag ay ginawa ng pangulo sa kaniyang talumpati sa 84th anniversary celebration ng Department of Labor and Employment sa Bulacan Capitol Gymnasium sa Malolos.

Ayon sa pangulo, sa Lunes ay sisibakin niya lahat ng bumubuo sa isang komisyon dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa korapsyon.

Sinabi ng pangulo na nais niyang tuparin ang kaniyang mga ipinangako noong kampanya na tutuldukan niya ang graft and corruption sa pamahalaan.

Samantala, sa nasabi ring talumpati, piinaalalahanan ng pangulo ang Philippine National Police (PNP) na ngayong balik na sa kanila ang anti-drug war campaign ay dapat silang maghinay-hinay.

Gayunman, binilinan din nito ang PNP na maging sigurado sa mga gagawing operasyon.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: DOLE 84th Anniversary, Rpdrigo Duterte, DOLE 84th Anniversary, Rpdrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.