Nababahala ang China sa bilateral investment agreement ng Pilipinas at Taiwan.
Sa pulong-balitaan sa Beijing, sinabi ni Chinese Foreign Ministry spokesman Geng Shuang na walang problema ang China sa normal na ugnayang kalakalan ng Pilipinas at Taiwan, ngunit hindi sila sang-ayon sa anumang opisyal na palitan ng kasunduan ng dalawa.
Dagdag ni Geng, umaasa ang China na tatalima ang Pilipinas sa prinsipyo ng “one China” at iwasang malamatan ng Taiwan ang magandang ugnayan ng Pilipinas at China.
Noong Huwebes, lumagda ang Pilipinas at ang de facto ambassador ng Taiwan sa isang kasunduan, ayon sa pamahalaan ng Taiwan.
Ayon sa Beijing, walang karapatan sa diplomatic recognition ang Taiwan dahil bahagi umano ito ng China.
MOST READ
LATEST STORIES