BSP, nagpaliwanag sa pag-alis kay Gen. Emilio Aguinaldo sa P5 coin

By Dona Dominguez-Cargullo December 08, 2017 - 07:47 PM

Nagpaliwanag ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa pag-alis kay Gen. Emilio Aguinaldo sa bagong denomination ng limang pisong barya na kanilang ilalabas.

Ayon kay BSP Deputy Governor for Monetary Stability Sector Diwa Guinigundo, inalis lamang sa barya si Aguinaldo pero makikita pa rin naman ito sa currency series.

Ayon kay Guinigundo, makikita na si Aguinaldo sa bagong disenyo ng P200 bill kung saan inilagay ang kaniyang larawan sa pagdedeklara ng kalayaan noong June 12, 1898.

Ang mga bagong disenyo ng Philippine peso bills at coins ay ilalabas ng BSP sa Enero sa susunod na taon.

Pero nitong nakaraang November 30, una nang inilabas ng BSP ang bagong disenyo ng P5 kung saan makikita na ang larawan ni Gat. Andres Bonifacio.

Naging usap-usapan tuloy ang ginawa ng BSP na pag-alis kay Aguinaldo sa P5 coin at paglalagay ng larawan ni Bonifacio.

Ayon kay Guinigundo, kumonsulta sila sa ilang historians sa ginawang bagong disenyo ng pera at dahil ang mga disensyo sa P200 ay puro may kaugnayan sa kalayaan ng bansa gaya ng EDSA Revolution II at ang deklarasyon sa Kawit, Cavite, ay minabuting ilagay na rin doon ang larawan ni Bonifacio.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Andres Bonifacio, Bangko Sentral, emilio aguinaldo, five peso coin, Two hundred pesos, Andres Bonifacio, Bangko Sentral, emilio aguinaldo, five peso coin, Two hundred pesos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.