Isa pang bata na naturukan ng Dengvaxia sa Tarlac City, pinangangambahang may dengue

By Jan Escosio December 08, 2017 - 06:11 PM

Nakitaan ng sintomas ng dengue ang isa pang bata sa Tarlac City na naturukan ng Dengvaxia.

Ang grade six student na batang lalaki ay nakitaan ng maraming rashes sa katawan at nakaranas ng lagnat.

Dumalo pa umano ang nasabing bata sa isinagawang orientation ng Department of Health (DOH) sa kaniyang paaralan kanilang umaga hinggil sa dengue.

Pero pagdating sa bahay, kinailangan na itong isugod sa isang clinic dahil sa nakitang mga sintomas.

Agad naman itong pinayuhang magpasailalim sa dengue test.

Ayon sa magulang ng bata, nakumpleto nito ang tatlong dosage ng Dengvaxia vaccine.

Ang grade six student, ay pinsan ng dose anyos na batang babae na nagpapagaling naman ngayon sa Jose Lingad Regional Memorial Hospital.

Ang nasabing batang babae ay nakatapos din ng tatlong shots ng Dengvaxia na itinurok sa kaniya noong March 30, 2016; October 13, 2016 at August 14, 2017.

Noong Decemmber 2 nang ma-diagnose ang bata na mayroong severe dengue.

Ayon naman kay Tarlac Gov. Susan Yap, bumubuti na ang lagay ng bata at tumaas na rin ang platelets nito kaya inaasahang makalalabas na ng ospital sa mga susunod na araw.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: anti dengue vaccine, Dengue, Dengvaxia, department of health, anti dengue vaccine, Dengue, Dengvaxia, department of health

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.