Pahayag ni Duterte na magiging “dead city” ang Metro Manila, nakababahala ayon kay Sen. Grace Poe

By Rohanisa Abbas December 08, 2017 - 05:44 PM

INQUIRER FILE PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA

Kinakailangang ma-develop ang mga malalayong probinsya para ma-decongest ang Metro Manila, ayon kay Senador Grace Poe.

Ipinahayag ito ni Poe kasunod ng babala ni Pangulong Rodrigo Duterte na magiging isang “dead city” ang Manila sa susunod na 25 taon.

Ayon kay Poe, chairperson ng senate committee on public services, dapat nang simulan ang development sa ibang probinsya nang pangmatagalan.

Dagdag ng senador, dapat ikunsidera ng bansa ang mga syudad ng London, New York, Rome at Tokyo na nakasabay sa mga pagbabago.

Sinabi ni Poe na magagamit ni Duterte ang emergency powers para sa pag-decongest sa Metro Manila.

Dahil dito, muling nanawagan si Poe kay Duterte na sertipikahang urgent ang panukalang emergency powers sa pangulo.

Sa pamamagitan aniya ng emergency powers, mapabibilis ang pagpapatupad ng mga proyekto ng bansa para sa transportasyon.

 

 

 

TAGS: dead city, grace poe, Metro Manila, Rodrigo Duterte, dead city, grace poe, Metro Manila, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.