Nagsagawa ng black lantern protest rally ang grupong Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa Mendiola.
Layon nito na hilingin sa Malakanyang na ibigay na sa mga public school teachers ang kanilang performance based bonus at itigil na ang pagpatay sa mga Pilipino.
Masama rin ang loob ng grupo sa pagpasa sa senado at kamara sa house joint resolution no. 18 na nagdodoble sa buwanang sahod ng pulis at militar habang dedma ang mga guro at iba pang kawani ng gobyerno.
Ipinaalala ng ACT ang pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 na tataasan ang suweldo ng mga teacher at wawakasan ang kontraktuwalisasyon pero kabaligtaran ang ginawa nito pagdating ng 2017.
Galing ang grupo sa UST sa España na nagmartsa papunta ng Mendiola.
Sinunog din ng grupo kasama ang bayan at iba pang militante ng effigy ni Pangulong Duterte sa programa na idinaos nito sa kanto ng Mendiola at Recto.
Kasama ng ACT na nagsagawa ng kilos protesta ang grupong Barud Katungo Mindanao na kinokondena naman ang planong extension ng martial law at ang panggigipit ng administrasyon sa mga makakaliwang grupo.