Walang Pinoy na nasaktan sa wildfires sa California

By Dona Dominguez-Cargullo December 08, 2017 - 04:06 PM

Los Angeles County Fire Department

Wala pang naitalang Pinoy na nasugatan sa mga wildfire na nagaganap sa California.

Ayon kay Philippine ambassador to the United States Jose Manue Romualdez, wala pa silang nakukuhang ulat na may Pinoy na nasugatan o nasawi sa wildfire.

Sa datos ng konsulada ng Pilipinas sa Los Angeles, nasa 25,000 na Pinoy ang nanihirahan sa lugar na apektado ng wildfire.

Naglabas na rin ng abiso ang konsulada sa mga Pinoy hinggil sa banta ng wildfire sa Ventura, Los Angeles; Orange County, San Diego at Santa Barbara.

Kung nasa isang life-threatening emergency situation, pinayuhan ng konsulada ang mga Pinoy na agad tumawag sa 911.

Ang Philippine Consulate General naman ay maaring tawagan sa 1 (213) 268-9990.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: California, Los Angeles, Radyo Inquirer, wild fire, California, Los Angeles, Radyo Inquirer, wild fire

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.