Arraignment ni Senator Leila De Lima sa kasong illegal drug trade, hindi natuloy
Ipinagpaliban ng Muntinlupa Regional Trial Court ang pagbasa ng sakdal kay Senator Leila De Lima sa kaso nitong may kaugnayan sa illegal drug trade.
Ito ay dahil mayroon pang mosyon na inihain ang prosekusyon kung saan hinihiling sa RTC Branch 206 na ma-amyendahan ang impormasyon sa reklamong kanilang isinampa laban sa senadora.
Hiniling ng kampo ni De Lima sa korte na mabigyan sila ng 15-araw para makapag-komento sa nasabing mosyon.
Wala pa namang itinakdang bagong petsa ng arraignment si Judge Patria Manalastas-De Leon na siyang may hawak ng kaso.
Ayon sa abogado ni De Lima na si Atty. Bonnie Tacardon, ang nais ng prosekusyon na baguhin ang impormasyon sa kaso ay maituturing na “confusing” at patunay lang na mahina ang isinampang kaso laban sa senadora.
Sa inihain kasing mosyon, nais na baguhin ang kasong illegal drug trading laban kay De Lima at sa halip ay gawin itong conspiracy to commit illegal drug trading.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.