Maraming sisiwalat na anomalya sa pagbili ng Dengvaxia – Gordon
Maraming rebelasyon sa gagawing pagdinig ng senado sa Lunes kaugnay sa ginawang pagbili ng dating administrasyon s P3.5B na halaga ng anti-dengue vaccine.
Ayon kay Senator Richard Gordon, chairman ng senate blue ribbon committee, tiyak na maraming kagulat-gulat na impormasyon na sisiwalat sa Lunes, December 11.
Nagsagawa na aniya noon ng imbestigasyon ang kaniyang komite sa isyu, pero hindi noong panahon na iyon, hindi makapaglahad ng mga impormasyon si dating Health Sec. Paulyn Ubial dahil tila ‘pressured’ ito para sa kaniyang nakabinbing kumpirmasyon sa Commission on Appointments.
Kumpiyansa si Gordon na ngayong wala nang hadlang ay ilalahad na lahat ni Ubial ang mga impormasyon sa komite.
Ani Gordon, malinaw na minadali ang pagbili ng Dengvaxia noong panahon ni dating Pangulong Noynoy Aquino.
Ayon sa senador, maliban kay Aquino, kailangan ding managot sa usapin si dating Health Sec. Janette Garin at lahat ng iba pang pumirma at nag-apruba sa pagbili ng mga bakuna.
“Malinaw na malinaw na minadali at merong mga namatay. Inamin pa ng Sanofi na may possibility na severe ang effect kapag binigay mo batang wala pang dengue,” ani Gordon sa panayam ng Radyo Inquirer.
Prayoridad sa isasagawang pagdinig ng senado ang mapigilan na ang pagtutuloy pa ng anti-dengue vaccine program ng pamahalaan, at maiwasang maulit ang ganitong insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.