Singil sa kuryente ng Meralco, bababa ngayong buwan

Magpapatupad ng kaltas sa singil sa kuryente ang MERALCO ngayong buwan ng Disyembre.

Ayon sa Meralco, 38 centavos bawat kilowatt hour ang mababawas sa December bill.

Sinabi ng Meralco na naging maganda ang sitwasyon ng power grid noong Oktubre kaya nagkaroon ng reduction sa December bill.

Dahil sa nasabing bawas sa singil, ang mga consumers na kumokonsumo ng 200-kilowatt hour ay mayroong P75 na bawas sa bill.

Kung 300-kilowatt hour naman ang konsumo sa isang buwan ay nasa P113 ang mababawas sa bayarin.

At kung 400 at 500-kilowatt hour ang konsumo ay P151 hanggang P189 ang mababawas sa kanilang December bill.

Maliban sa maayos na sitwasyon sa power grid, nakatulong din para sa bawas singil ang malakas na palitan ng piso kontra dolyar.

 

 

 

 

 

 

Read more...