Sen. Pacquiao, muling sasabak sa ring sa Abril

By Rhommel Balasbas December 08, 2017 - 12:50 AM

 

May aabangan muli ang Pinoy boxing fans mula kay Sen. Manny Pacquiao.

Ito ay matapos tiyakin ng 8-Division World Champion na muli siyang sasabak sa boxing ring sa Abril sa susunod na taon.

Inanunsyo ito ng senador sa inagurasyon ng isang chicken business ng isa niyang kaibigan sa Quezon City.

Hindi pa naman sigurado kung sino ang makakalaban ng pambansang kamao ngunit sinabi niyang maaaring sa Enero ay maianunsyo na ito.

Tikom ang bibig ni Pacquiao kung ang Mixed Martial Arts (MMA) Superstar na si Conor Mcgregor ang kanyang magiging kalaban sa ring.

Huling lumaban ang senador sa boxing noong July sa tinaguriang Battle of Brisbane kung saan napakawalan niya ang kanyang WBO welterweight belt matapos matalo sa Australyanong si Jeff Horn.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.