Kahit gabi, may aberya pa ring nararanasan sa MRT.
Dakong alas-otso ng Huwebes ng gabi, muling nagpababa ng pasahero ang isang saouthbound train ng MRT sa Cubao station matapos maka-amoy umano ng usok ang mga commuter.
Naapektuhan ng biglaang paghinto ng serbisyo ng MRT ang nasa 750 pasahero na napilitang bumaba at maghintay ng susunod na tren.
Ayon sa abiso ng Department of Transportation, posibleng ‘faulty electrical components’ ang naging sanhi upang maka-amoy ng tila nasusunog na bahagi ng tren ang mga commuter.
Isasailalim naman sa preventive maintenance ang naturang tren.
READ NEXT
Pinoy immigrant, inaresto dahil sa umano’y bantang mass shooting sa isang mosque sa Florida
MOST READ
LATEST STORIES