Pinoy immigrant, inaresto dahil sa umano’y bantang mass shooting sa isang mosque sa Florida

By Jay Dones December 08, 2017 - 01:07 AM

 

Inaresto sa Florida, USA ang isang Pinoy immigrant dahil sa alegasyong nagpa-plano itong magsagawa ng mass shooting sa isang mosque.

Kinilala ang inarestong suspek na si Bernardino Gawal Bolatete, 69-anyos, tubong Tagbilaran, Bohol at residente ng Jacksonville, Florida.

Ayon sa ulat, inamin ng suspek sa isang undercover FBI agent na nagbabalak itong akyatin ang isang mosque sa Islamic Center sa Jacksonville at paulanan ng bala ang mga nagdarasal sa loob.

Binanggit rin sa testimonya ng agent na may limang high-powered rifle na umanong nakahanda si Bolatete pang isakatuparan ang krimen.

Nang arestuhin, nakuha sa suspek ang isang silencer na hindi nakarehistro sa kanya.

Napag-alaman na ikinakasa umano ng suspek ang plano dahil nais umano nitong gumanti sa mga Muslim bago ito mamatay mula s akanyang sakit sa kidney.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.