Human rights group hinamon ni Duterte ng debate sa isyu ng droga

By Chona Yu December 07, 2017 - 07:57 PM

Inquirer photo

Kumpiyansa si Pangulong Rodrigo Duterte na walang panalo sa kanya sa debate ang mga human rights group kung isyu sa ilegal na droga ang pag-uusapan.

Paliwanag ng pangulo, mas matalino kasi siya kaysa sa mga miyembro ng human rights group.

Ipinagyabang pa ng pangulo na noong panahon ng eleksyon, tinalo din niya sa debate ang apat niyang nakalaban sa pagka-pangulo.

Kabilang sa mga nakatunggali ng pangulo sa presidential race, sina Senator Grace Poe, dating Secretary Mar Roxas, dating Vice President Jejomar Binay at namapayang Senador Miriam Defensor Santiago.

Matatandaang makailang beses na ring minura ng pangulo ang mga taga human rights group dahil sa pagbatikos sa madugong anti-drug war campaign ng administrasyon.

TAGS: duterte, human rights group, Pampanga, War on drugs, duterte, human rights group, Pampanga, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.