PayMaya VISA Card, pwede nang gamitin sa LRT//MRT fares simula ngayon

lrtSimula ngayong araw ay maaari nang magamit sa pagbabayad ng LRT/MRT fares, online commerce at face-to-face store transactions ang PayMaya VISA card with beep na unang live three-in-one card.

Ang PayMaya Visa card ay may built-in beep wallet na maaari ring magamit sa iba’t ibang transaksyon.

Ito ay bahagi ng paglulunsad ng Smart eMoney, Inc., na siyang digital financial innovations unit ng PLDT at Smart Communications, Inc. (Smart).

Layunin ng 3-in-1 card na magkaroon ng mas mabilis na transaksyon ang publiko, na siyang may mga karagdagang advantages rin, kagaya ng ibang visa card sa ilalim Automated Fare Collection System (AFCS).

Sa card na ito pinadali ang sistema sa transaksyon, kung saan maaari na itong gamitin sa light railway transport system at online shopping sites, kabilang na ang Zalora, Philippine Airlines at AirBNB gamit ang PayMaya mobile app.

Ayon kay Orlando B. Vea, pangulo ng Smart eMoney, ang kanilang PayMaya Visa Card ang kauna-unahang live card sa bansa, na siyang magagamit ng mga pinoy sa iba’t ibang transaksyon, at online commerce.

May bonus na P30 beep stored value ang special limited offer na PayMaya Visa Card kapag loloadan ito ng P100 sa mga PayMaya activation booths.

Matatagpuan ang mga booth sa piling PayMaya activation booths.

Maaari rin namang idownload ang PayMaya app sa Google play.

Read more...