Dahil sa JASIG: Mga lider ng CPP-NPA hindi basta pwedeng hulihin

By Rohanisa Abbas December 07, 2017 - 06:46 PM

Inquirer file photo

Hindi umano maaaring basta-basta ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mass arrest ng mga lider ng Communist Party of the Philippines (CPP) ayon sa ilang mambabatas.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Caros Zarate, ang naturang kautusan ni Duterte ay paglabag sa Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG).

Iginiit ni Zarate na hangga’t walang formal termination ng JASIG ay hindi maaaring arestuhin ang mga lider ng komunistang grupo.

Matatandaang ipinag-utos ni Duterte ang pag-aresto sa mga lider ng CPP-NPA kabilang ang mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon.

Ang JASIG ay kasunduan sa pagitan ng gobyerno at National Democratic Front (NDF) noong 1995.

Ito ay nagsisilbing legal na proteksyon sa negotiators, consultants at iba pang kasama sa usapang pangkapayapaan.

Gayunman, sa isang panayam noong Nobyembre ay sinabi ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza na hindi na epektibo ang JASIG dahil ibinasura na ng gobyerno ang usapang kapayapaan sa mga komunistang rebelde.

TAGS: CPP, jasig, NPA, zarate, CPP, jasig, NPA, zarate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.