AFP Chief of Staff nagpasalamat sa term extension
Pinasalamatan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Rey Leonardo Guerrero si Pangulong Rodrigo Duterte sa patuloy na tiwala nito sa kanya.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo, ikinalulugod ni Guerrero ang kumpyansa ng pangulo sa kanyang pamumuno sa militar.
Ito ay kasunod ng pagpapalawig ni Duterte sa termino ni Guerrero sa April 24, 2018.
Nakatakda sanang magretiro ang AFP Chief sa December 17 pagsapit niya sa mandatory retirement age na 56.
Ayon kay Arevalo, hindi inaasahan ni Guerrero ang pagpapalawig ng kanyang termino, ngunit masaya siya sa ibinigay na pagkakataon sa kanya na magsilbi bilang hepe ng AFP.
Dagdag ni Arevalo, dahil dito ay mabibigyan ng mas mahabang panahon si Guerrero na maipatupad ang mga plano at programa ng militar lalo na sa gitna ng banta ng mga terorista.
Maliban dito, may pagkakataon din umano ang AFP Chief of Staff na mapabilis ang upgrade ng kakayanan ng AFP.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.