Dengvaxia vaccine isasalang na sa imbestigasyon ng Kamara
Muling bubuksan ng House Committee on Good Government and Public Accountability ang pagdinig ukol sa kontrobersyal na bakuna sa dengue.
Sa isang panayam, sinabi ng chairman ng komite na si Rep. Johnny Pimentel na itinakda nila ito sa December 13.
Ito ay kasunod ng pagpapatigil ng Department of Health ang dengue vaccination program makaraang isiwalat ng Sanofi Pasteur na posibleng magdulot ng masamang epekto ang Dengvaxia sa mga nabakunahang hindi pa nagkakaroon ng dengue.
Huling isinagawa ng Kamara ang pagdinig ukol sa Dengvaxia noong December 2016.
Inirekomenda ng health commitee ang pagpapaliban ng immunization programs ng DOH sa mga paaralan hanggang sa matapos ang buong pag-aaral ng kagawaran.
Inaasahan na dadalo sa pulong ang mga kinatawan mula sa World Health Organization, Department of Health at Sanofi Pasteur.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.