Marawi master plan para sa permanent housing ipinamamadali na ng Kamara

Ipinamamadali na ng Kamara sa Task Force Bangon Marawi ang pagsusumite ng master plan para sa itatayong permanent housing sa Marawi City.

Ayon kay House Committee on Housing and Urban Development Chair at Negros Occidental Rep. Albee Benitez, ito ay upang mapag-aralan na ng kongreso para sa paglalatag ng pondo.

Pinasisiguro ng mambabatas sa lokal na pamahalaan ang kanilang plano sapagkat madali na anya ang pondo para dito.

Sa kanyang inspeksyon sa mga itinatayong temporary housing, sinabi ni Benitez na handa ang kamara na bigyan ng sapat na pondo ang rebuilding at rehabilitation ng Marawi City.

Target ng National Housing Authority na makalipat ang inisyal na 500 pamilya sa 16 na ektaryang lupain bago matapos ang taon.

May lawak na 22 square meters ang isang temporary shelter kung saan mayroon itong supply ng tubig at kuryente.

Samantala, binigyan naman ng solar powered light si Benitez ang NHA na maaring gamitin ang mga lilipat sa mga ginagawang temporary shelter.

Sinimulan ang pagtatayo ng nasabing transition house noong buwan ng setyembre na kasagsagan ng giyera sa Marawi City na target matirhan ng nasa 5,000 pamilya.

Read more...